" Always keep your words soft and sweet just in case you’ll have to eat them, you can swallow it well.
ang tagal.
Ang dami kong gustong i-post kaso nalilimitahan ako dahil sa kakapusan ng pera ngayong panahon.
Ang tagal ng pasukan. -________-
May 1
Kanina sobrang natuwa ako dahil umulan din sa wakas. :)) Naglabasab tuloy ang mga tao sa eskinita namin. Ang sabi daw kasi nakakaswerte daw ang unang ulan ng May 1.’Yung iba naman ang sabi, nakakagaling daw ng sakit. Pero kung totoo man o hindi ‘yon, okay lang. Ang saya naman. Naalala ko tuloy lalo ang pagkabata ko. Nakakamiss.
*.*
da vinci
Hindi ako mapalagay dahil sa Da Vinci Code (book). Ngayon ko lang sya talaga binabasa at naguguluhan ako. Pwede bang may magpaliwanag sakin ng tungkol dito? Totoo ba yon?
Hey. Meet my BFF. :)
Ang laki lang talaga ng pasasalamat ko kay Lord dahil binigyan niya ko ng maganda at mabait na bestfriend.

Grabe lang talaga, kahit sobrang gago ng hayop na to, sobrang sarap kasama. Hindi maarte, lahat kinakain. Sobrang lakas ng kapit kay Bro, kaya naman ako, napapakapit na din ng bongga.
Lahat ng trip ko, trip niya kaya naman magkasundong-magkasundo kami. May mga ibang taong sinasabihan siya ng suplada at naiinis ako don. Pano’y hindi naman close mag eexpect na papansinin ng bongga. HALA~!
happy talaga ko kasi sinamahan niya kong magdrama kagabi sa bahay nila. :) Siya at ice candy lang, potek. SOLVE! :)
Nandito ako ngayon nag iisa sa FSC (FAITH Student Council) opis kasi dapat magkikita kami nung president namin. Tsk. Usapan na e. Aba! Umalis pa. Magwa-walter daw. paano na lang kami mag uusap? E may lakad din ako mamaya? HAHAAY. Buhay.
Hindi man tayo sabay ipinanganak, kahit ikaw yung mas bata o mas matanda, maging akin ka lang, PROMISE. Sabay tayong tatanda. :)
(Source: itsolen)



